Monday, July 25, 2011

Orasan na di humihinto

                              
Isang umaga sa isang madilim na kwarto ang aking mga mata ay biglang dumilat sa di inaasahan Oras, napatingin ako sa aking orasan 3:00am ang naka-ulat.Hindi ako mapakali kaya ako'y bumangon at lumabas ng kwarto, pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig, habang ang aking tuyong lalamunan ay na-ibsan ay parang may malamig na hangin na yumakap saakin di ko mapaliwanag ang aking naramdaman dahil ba to sa tubig na kay lamig o dika ay sadyang may nag paparamdam lang saakin. Pagkalipas ng isang minutong pag tatanto ng aking isipan ako'y bumalik na sa aking kwarto duoon ang aking isipan ay di mapagod pagod sa kakaisip ngunit ang aking katawan ay gusto ng mag pahinga hindi ko lubos maunawaan kung bakit ganito ang aking nararamdaman kaya pinilit kong ipahinga ang aking isipan ngunit sadyang ayaw magpatalo ng mag guni-guni saakin, lahat na ginawa ko matulog padapa,pahalang, patuwad, pero lahat ng ito ay walang kwenta, makalipas ang ilang oras lahat ng ito ay tumabla nung marinig ko na ang tilaok ng manok 6:00am na pala di ko namalayan kaybilis ng oras ang iba ay babangon palang upang umpisahan ang kanilang mahabang araw, samantalang ako ay patulog palang...

No comments:

Post a Comment